Read the story carefully
Tamang Paggamit ng amat Ni: Anthony C. Vista Karamdamay huwag tiisin at indahin, Kung may gamot namang puwedeng inumin; Sakit ng ulo, lagnat, sipon at iba pang sakit ay maaring pagalingin, Kung tamang gamot ang ating gagamitin Ngunit ikay mag-ingat, huwag uminom ng basta-basta, kung sakit ay malubha, mas maiging sa doktor ay komunsulta, Upang sakit ay matukoy at ika'y mabigyan ng reseta, Wastong gamot sa iyo'y maibibigay, siguradong gagaling ka. 4 CO Q3 Health 4 Module 1 Subalit may mga gamot sa botika na di na kailangan ng reseta, Kahit sino ay maaaring makabili at makakuha, Siguraduhin lang na direksiyon sa etiketa ay binasa, Upang di magkamali, sakit ay gumaling at di na lumala pa. Laging tatandaan, gamot ay malaking tulong sa tuwina, Upang mga karamdama'y malunasan at gumaling ka, Huwag abusuhin, laging gamitin nang tama, Upang kalusugan ay masiguro at maiwasan ang pinsala.
Mga tanong: 1. Bakit mahalaga ang uminom ng gamot?
2. Ano-ano ang mga uri ng gamot?
3. Ano ang epekto ng gamot sa ating katawan?
4. Ano-ano ang dapat tandaan bago uminom ng gamot?
Pls answer my question if you got answer it I give you brainliest the right answer OK!