Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga propesyonal sa aming platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

10 hal. ng tulang panudyo

Sagot :

Mga Halimbawa ng tulang Panudyo:

1. Si Maria kong Dende

Nagtinda sa gabi  

Nang hindi mabili

Umupo sa tabi

2. Ako ay isang lalaking matapang

Huni ng tuko ay kinatatakutan

Nang ayaw maligo

Kinuskos ng gugo

3. Mga pare, please lang koyo’y tumabi

Pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala

Ang aking manibela

4. Sitsit aya sa aso

Katok ay sa pinto

Sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto

5. Bata batuta

Samperang muta

6. Ako’y tutula

Mahabang-mahaba

Ako’y uupo

Tapos na po

7. Tatay mong  

Bulutong

Puwede

Mong igatong

8. Toktolaok! Sabi ng tandang

Putputak!sabi ng inahin

Huwag kang umakyat

Itlog kong mapipisa

9. Pung,pung kasili,

Ipinanganak sa kabibe

Ano ang anak?

Buto’t balat hindi makalipad

Bali-bali ang pakpak

10. Putak, putak

Batang duwag

Matapang kat nasa pugad

Para sa karagdagang halimbawa ng tulang panudyo,maaaring magpunta sa link na ito: Sampung halimbawa ng tulang/awiting panudyo

https://brainly.ph/question/1198801

Ano nga ba ang Tulang Panudyo?

  • Ang tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay mga sukat (measure) at tugma (rima).  
  • Ang tulang panudyo ay isang akdang pampanitikan na ginagamit ng mga bata para pantukso na hindi nakakasakit sa damdamin.
  • Pabiro na nasa anyong patula. Sinasabi ito ng mga kapwa bata kapag nagkakapikunan.
  • Ito rin ay nagpapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay nang bata pa sila.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan ng tulang panudyo,magpunta lamang sa link na ito: Ano ang kahulugan ng tulang panudyo? https://brainly.ph/question/459863

Layunin ng tulang Panudyo

-Ang layunin ng tulang panudyo ay mambuska o manudyo.

Para sa karagdagang ideya ng layunin ng tulang panudyo,maaaring magpunta sa link na ito: Mga tulang panudyo (kahulugan) https://brainly.ph/question/250217

Ano ang Panitikan?

  • Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
  • Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Narito ang mga halimbawa:

Mga Akdang Tuluyan

Alamat

Anekdota

Nobela  

Pabula

Parabula

Maikling kwento

Dula  

Sanaysay

Talambuhay

Talumpati

Balita

Kwentong Bayan

Mga Akdang Patula

Awit at Korido

Epiko

Balad  

Salawikain

Sawikain

Bugtong

Kantahin

Tanaga