Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Maganda at masaya ang naging wakas ng kuwentong “Alamat ni Prinsesa Manorah” dahil nagwakas ang kuwentong ito sa nagkaibigan sila Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah, ikinasal sila sa palasyo ng Udon Panjah, at sila'y namuhay nang masaya at matiwasay habambuhay.
Kung ako ang may akda ng kuwentong ito, wawakasan ko ang kuwentong ito sa pamamagitan nang pagdedetalye kung paano umusbong ang pag-iibigan nila Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah pati na rin ang pagkukuwento kung ano ang nangyari matapos sila ikasal.
Alamat ni Prinsesa Manorah
Orihinal na pagwawakas:
Si Prahnbun, isang binata, ay matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah na kalahating babae at kalahating sisne. Nang mahuli ni Prahnbun si Prinsesa Manorah ay agad niya ito ipinakita kay Prinsipe Suton. Isinalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa. Pagkatapos ay nagpasalamat si Prinsipe Suton at binayaran si Prahnbun ng napakalaking halaga.
Umusbong ang isang tunay na pag-ibig kila Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah. Sila ay ikinasal sa palasyo ng Udon Panjah at tuluyan namuhay nang masaya at matiwasay habambuhay.
Sariling wakas ng kuwentong “Alamat ni Prinsesa Manorah”
Nang unang makita ni Prinsipe Suton si Prinsesa Manorah ay naakit at nabighani kaagad ito samantalang nang unang makita naman ni Prinsesa Manorah si Prinsipe Suton ay galit na galit ito. Ngunit dahil sa bait at tiyaga na ipinakita ni Prinsipe Suton kay Prinsesa Manorah ay napaamo at napaibig niya ito. Habang sila’y naglalakbay papuntang Udon Panjah, kaharian nila Prinsipe Suton, ay lalong lumalim ang kanilang pagtitinginan. Nakilala nila ang isa’t-isa. Kaya naman nang sila ay makarating sa Udon Panjah, kaagad ipinakilala ni Prinsipe Suton si Prinsesa Manorah sa kanyang mga magulang at nagpasiya na magplano ng kanilang kasal.
Matapos maikasal nila Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah ay marami silang pinagdaanan na pagsubok na humamon kung gaano katatag ang kanilang pagsasama ngunit dahil sa pagtutulungan, pagtitiwala, pag-intindi/pag-unawa, at pagmamahal nila sa isa’t-isa, nalampasan nila lahat iyon.
Nabiyayaan sila ng mga anak. Di naglaon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah ay naging hari at reyna. Sila ang sumunod na namuno sa Udon Panjah. Namuhay sila ng masaya at matiwasay.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa sariling wakas ng kuwentong "Alamat ni Prinsesa Manorah", maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/361181
Prinsesa Manorah
Si Prinsesa Manorah ay
- pangunahing tauhan sa isang alamat ng Thai
- isang prinsesa at ang pinakabata sa pitong anak na Kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta Kinnaree
- nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat
- kalahating babae at kalahating sisne
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kung sino si Prinsesa Manorah, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/1501345
Dahilan kung bakit itinali si Prinsesa Manorah ni Prahnbun
Itinali ni Prahnbun si Prinsesa Manorah dahil sa pakpak nito. Itinaling mabuti ni Prahnbun ang pakpak ng prinsesa upang tiyak na hindi ito makawala at tiyak na madala niya ito pabalik sa Udon Panjah. Ang balak ni Prahnbun ay maibigay kay Prinsipe Suton si Prinsesa Manorah.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa dahilan kung bakit itinali si Prinsesa Manorah, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/729785
Ang “Alamat ni Prinsesa Manorah” ay isang alamat na nagpasalin-salin sa iba’t-ibang panahon at henerasyon.
Ito ay mula noong panahong Ayutthaya at nagbigay inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand.
Nagmula ang "Alamat ni Prinsesa Manorah" sa:
- Panahong Ayutthaya
- Thailand
Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.