Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang malalim na mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang implikasyon ng entitlement mentality sa sarili at pamahalaan?

Sagot :

septua

Kapag entitled masyado ang isang tao, maaari nyang isipin na may karapatan sya sa ilang mga bagay kahit hindi naman ito karapat-dapat. Halimbawa, ang pagkakaroon ng mataas na posisyon sa trabaho ay nangangailangan ng sapat na kakayahan, mabuting pag-uugali sa trabaho, at sapat na karanasan. Ang isang taong masyadong entitled ay maaaring magsabi o umasa na dapat sya ang nasa mataas na posisyon na ito kahit hindi naman sya karapatdapat. Imbis na mapagbuti nya ang kanyang sarili, nananatiling mababa ang lebel ng kanyang mga kakayahan dahil hindi nya nauunawaan ang kahalagahan ng pagsisikap.

Halos ganoon rin para sa pamahalaan. Kung ang isang tao ay naniniwala o entitled na karapatdapat sya sa isang posisyon sa gobyerno kahit kulang ang kanyang karanasan o kakayahan, magkakaroon ng malaking problema sa kaniyang pangangasiwa, kung makakuha man sya ng posisyon na hindi naman akma sa kanyang kakayahan at karanasan. Kung sya ay bahagi ng pamahalaan, hindi magiging epektibo ang kanyang pamamahala, at ang taong bayan at bansa mismo ang maaapektuhan nang lubos.