Nalilinang ng wika ang ating malikhaing pag-iisip sa pamamagitan ng pagiging daan nito upang maipahayag ang ating mga ideya at maibahagi sa ibang tao.
Mga paraan kung paano nalilinang ng wika ang malikhaing pag-iisip:
- Sa pamamagitan ng wika, ang ating malikhaing mga ideya ay naipapahayag sa pagsulat, pagganap, o pagsasadula. Ang bunga nito ay ang mga nasusulat na mga kwento, panitikan, mga liriko ng awit, o maging mga script ng mga pelikula at iba pang pagtatanghal.
- Sa pamamagitan din ng wika, naibabahagi natin ang ating pagiging malikhain sa ibang tao. Nagkakaroon tayo ng "audience" na nakakapagbigay ng halaga at natutuwa sa ating mga likha. Nagiging daan din ito para makapagbigay tayo ng inspirasyon sa iba gamit ang ating pagkamalikhain.
- Dahil din sa wika, ang ibang tao ay maaaring magbigay ng kanilang puna o kritisismo sa ating malikhaing konsepto o gawa, at ito ay magiging dahilan upang lalo pa nating galingan at pagbutihin ang mga susunod na malikhaing ideya.
Tignan ang link na ito para sa iba pang nagagawa ng wika:
https://brainly.ph/question/6969915
#SPJ5