Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Russia pinalakas pa ang pag-atake sa mga lungsod sa Ukraine
Explanation:
‘Hindi humihinto ang shelling,’ sabi ng alkalde ng Mariupol, ang strategic port city sa timog
Sinira ng pambobomba ng Russia ang imprastraktura sa Kharkiv National University campus noong Marso 2, 2022.
Muling inatake ng Russia ang Kharkiv, ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Ukraine, sa isang pambobomba na nagpaliwanag sa skyline dahil sa mga bola ng apoy sa mga lugar na maraming naninirahan, kahit ang dalawang panig ay naghahanda upang ipagpatuloy ang pag-uusap na naglalayong ihinto ang bagong digmaan sa Europa.
Ang pagdami ng atake sa matataong lungsod ay sumunod pagkatapos ng unang round ng pag-uusap sa pagitan ng outgunned Ukraine at ng nuclear power Russia noong Lunes na nagresulta lamang sa pangako na magpupulong muli ang dalawang bansa. Hindi malinaw kung kailan mangyayari ang bagong pag-uusap - o kung ano ang magiging bunga nito. Sinabi ng lider ng Ukraine na kailangan ihinto ng Russia ang pambobomba bago maganap ang isa pang pagpupulong.
Binatikos ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pambobomba ng Russia bilang isang lantarang terror campaign, habang nagbabala si U.S. President Joe Biden noong Martes na kung ang pinuno ng Russia ay hindi magbabayad para sa pagsalakay, hindi hihinto ang agresyon sa isang bansa.
Ngayong Miyerkules, isang Russian strike ang tumama sa regional police at intelligence headquarters sa Kharkiv, isang lungsod na may 1.5 milyon na residente, namatay ang apat na tao at may mga nasugatan, ibinalita ng emergency service ng Ukraine. Sinabi nito na tinamaan din ang residential buildings, ngunit hindi na nagpahayag ng iba pang detalye.
Dahil sa isang pagsabog nasira ang bubong ng limang palapag na gusali ng pulisya at bumagsak ang itaas na palapag nito, ayon sa mga video at litrato na inilabas ng emergency service. Ang pira-pirasong bahagi ng gusali ay nagkalat sa kalapit na mga kalsada.
Ang pag-atake ay sumunod pagkatapos ng isa pang pambobomba sa central square ng Kharkiv kung saan namatay ang at least anim na tao at ginulantang ang maraming Ukrainians dahil tinamaan ang sentro ng isang pangunahing lungsod.
Ang overall death toll mula sa pitong araw na digmaan ay hindi pa malinaw, ang Russia at Ukraine ay hindi naglalabas ng bilang ng mga sundalong nasawi.
Ngayong Miyerkules, nag-isyu ang Ukraine emergency service ng isang pahayag na nagsasabing namatay ang mahigit 2,000 sibilyan na Ukrainians dahil sa Russian invasion at daan-daang istruktura ang nawasak kabilang ang transport facilities, mga ospital, kindergartens at mga bahay.
Ang mga bata, kababaihan at defence forces ay namamatay bawat oras, ayon sa pahayag na hindi ma-verify independently.
Bahagi ng artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula sa Reuters.
Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.