Ang Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda, at may Awtoridad:
Nararapat na igalang at sundin ang mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad sapagkat ito ay ating tungkulin bilang bahagi ng lipunan at paraan ng pagpapakita ng halaga para sa kanila.
Ang paggalang ay pagbibigay - halaga sa isang tao o bagay. Kaya naman ang paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad ay pagpapadama ng pagpapahalaga sa kanila. Ayon kay Pope John Paul II, tungkulin ng lipunan na pangalagaan ang dignidad ng mga matatanda sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga batas na mangangalaga sa kanila. Bilang bahagi ng lipunan, kabahagi tayo sa pagtupad ng mga batas na ito upang mapangalagaan ang mga nakatatanda. Sa pagtupad ng mga batas naipapakita din natin ang ating paggalang sa mga awtoridad. Sa ganitong paraan maituturo natin sa mga bata ang tamang pagtupad ng ating tungkuling gumalang.
Keywords: paggalang, pagsunod
Kahulugan ng Paggalang: https://brainly.ph/question/2765256
#BetterWithBrainly