2. Nakapagtapos ka ng pag-aaral at umasenso ang iyong buhay. Ano ang mainam mong
gawin upang maibigay mo sa iyong kapuwa ang nararapat ibigay sa kanila?
A. Ipunin ang lahat ng batang kalye at sabay-sabay pakainin araw-araw.
B. Sabihan ang lahat ng bata sa lansangan na magsumikap sa pag-aaral.
C. Bilhan ng laruan ang lahat ng batang makikita upang matutuwa ang mga ito
D. Bisitahin ang dating paaralan at magtanong kung ano ang maaaring maitulong
3. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng katarungan?
A. Pagpapautang ng 5-6 sa mga mahihirap
B. Pagsumbong sa guro sa kaklaseng nangongopya
C. Pagturing ng pamemeki ng lisensiya bilang hanapbuhay
D. Pagtanggap ng bayad sa boto mula sa kandidatong pulitiko sa eleksiyon
4. Paano unawain ang mga pagpapahalagang kaugnay sa katarungang panlipunan?
A. Malaman mo ang iyong papel sa katarungang panlipunan.
B. Makita mo alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang angkop sa iyo.
C. Masigurado mo na magtagumpay ka sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapuwa.
D. Matulungan ka sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao at sa paggalang mo sa dignidad ng kapuwa na likas sa pagiging tao ng tao.
5. Bakit kailangan sa katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa? A. Dahil binubuo ng tao ang lipunan
B. Dahil magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
C. Dahil may halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao D. Dahil pangunahin sa pag-iral ng katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa