Kung ikaw ay hindi nasiyahan sa isang paninda o serbisyo na iyong binayaran, ikaw ay kailangang magreklamo. Bilang isang mamimili, katungkulan mo ang magreklamo tungkol sa hindi mabubuting mga produkto at mga serbisyo. Kung magawa mong makapagreklamo nang epektibo, ito ay makabubuti sa iyo at sa ibang mga tao, at maaaring makapagpabuti sa mga produkto at mga serbisyo ng kumpanya.Ikaw ay may isang balidong reklamo kung:Ang isang produkto o serbisyo ay hindi gumana nang ayon sa gamit nito, atPinangalagaan mo ito at maayos mong ginamit ang produkto, at sinunod mo ang mga kundisyon ng garantya.Ikaw ay makakagawa ng isang reklamo bilang mamimili sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, pagsusulat ng isang liham, paghahain ng isang reklamo sa isang organisasyon, o sa pagpunta sa isang korte ng Maliliit na Paghahabol (Small Claims court).