Gawain sa Pagkatuto Bilang 2-A (Written Work 40%): Connect o Disconnect! Isulat ang CONNECT kung may kaugnayan ang paliwanag ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses, at DISCONNECT kung walang kaugnayan (8 pts.) 8. Namulat ang mga Amerikano at Pranses sa katotohanang dapat pantay-pantay ang mga tao sa lipunan kayat tinuligsa ang di makatarungang pamumuno. 9. Ang paghingi ng kalayaan ng mga Amerikano sa Great Britain at reporma sa pamahalaang Pranses ay pinasimulan ng mga intelektwal na grupo
10. Sa naganap na Rebolusyong Amerikano, ito ay nagsilbing batayan sa umiiral na demokrasya sa kasalukuyang panahon.
11. Palihim na tumulong ang France sa pakikidigma ng USA laban sa bansang Great Britain, ginawa ito ng France dahil likas na kaaway nito ang Great Britain.
12. Ang Rebolusyong Pranses ay nagsilbing halimbawa ng matagumpay na pagbabago sa ugnayan ng pinuno at nasasakupan
13. Ang USA na minsang nasakop ng Great Britain, ay tinutulan ang ilang patakaran na nagpahirap sa buhay ng mga Amerikano.
14. Ang panggigipit na naranasan ng mga taong kabilang sa Third Estate ang naging dahilan sa pagkakatatag ng National Assembly 15. Maraming mga bagong kaalaman na natutunan ang mga Amerikano at Pranses na nakatulong upang humingi ng pagbabago at kalayaan​