Answered

Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Mga halimbawa ng pagtatawag o apostrophe

Sagot :

Pagtatawag o Apostrophe

     Ang pagtawag o apostrophe ay isa sa mga halimbawa ng tayutay na nagpapahayag ng damdamin sa bagay na walang buhay. Ang nagsasalita ay itinuturing na ang isang bagay ay nasa kanyang harapan ngunit wala naman.

    Ang tayutay na ito ay ginagamit upang ipahayag ang matinding silakbo ng damdamin sa pamamagitan ng pagtawag; ginagawa ito sa isang sulatin upang mas mabigyan ng buhay o maipakita ang tunay na emosyon ng isang sitwasyon.

Mga halimbawa ng pagtatawag o apostrophe

  • Oh kadiliman, nawa’y huwag mong sakupin ang buong sanlibutan sapagkat ako’y nababahala sa kinabukasan ng mga kabataan.
  • Kagubatan...tao ay patawarin sa mga maling nagawa sa dating berdeng kulay mo.
  • Kapuluan! Kapuluan, sadyang napakarami mo saan ko hahanapin pag-ibig nasaakin ay nakatadhana?
  • Oh lindol! huwag mo kaming igupo; bagkus ito’y hudyat lamang ng isang paalala.
  • Ulan nasaan ka? Ika’y kailangan ng madiligan man lang itong puso kong nakalimot na.
  • Apoy ika’y huwag magpakita sa mga kabataang hanap ka upang mailigtas kanilang kinabukasan.
  • Bibliya salamat saiyong gabay nawa’y magsilbi ka sa lahat ng nais magbago.
  • Oh bagyo lubhang takot ang dala mo, tanging kalupitan lamang ang ipinararanas mo; nawa’y pag-ibig ko’y hindi katulad mo.
  • Bato oh bato bakit ba sadyang kay tigas mo bawat pukol mo ay ipinagdurusa ko.
  • Karagatan ako sa iyong lawak ay lubhang namamangha; kayamanang bigay mo’y kaydaming natutuwa.
  • Salamat salamat munting bahay kubo sapagkat ako’y iyong pinatuloy.
  • Puno ng niyog ika’y sadyang kaagapay ng mga magsasaka at mamamayan; laging pakatandaan ika’y iingatan.

Para sa karagdagang halimbawa ng pagtatawag o apostrophe magtungo lamang sa link na nasa ibaba.

https://brainly.ph/question/1655175

https://brainly.ph/question/250885

https://brainly.ph/question/209937

#LearnWithBrainly

Salamat sa pagpili sa aming serbisyo. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang tagasagot. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang impormasyon.