Answered

Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Ano ang iba't ibang uri ng Bantas at ang mga gamit nito?

Sagot :

Answer:

Iba't Ibang Uri ng Bantas at Ang Mga Gamit Nito

Ang bantas ay ang iba't ibang simbolo na ginagamit upang maginga malinaw at wasto ang pagkakaintindi sa isang teksto. Narito ang iba't ibang bantas at ang tamang gamit ng mga ito.

Tuldok ( . )

  • Ito ay ginagamit sa hulihan ng mga pangungusap na pasalaysay, pakiusap at pautos.

  • Ginagamit rin ito sa mga pangalan at salitang dinaglat o pinaikli.

Tandang Pananong ( ? )

  • Ito ay ginagamit sa mga pangungusap na patanong.

Tandang Padamdam

  • Ito naman ay ginagamit sa mga parirala, kataga o oangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin.

Kuwit ( , )

  • Ginagamit ito kung kailangan ng saglit na paghinto sa pangungusap.

  • Paghihiwalay ng mga magkakasunod na salita.

  • Makikita rin sa hulihan ng bating panimula at pangwakas ng liham.

  • Pagkatapos na mga salitang oo at hindi.

  • Pagkatapos ng bilang ng petsa at sa pagitan ng kalye, purok at bayan.

Kudlit ( ' )

  • Ginagamit na panghalili sa letra na kinaltas.

Gitling ( - )

  • Ginagamit sa pag-uulit ng salitang ugat o sa pantig ng salitang ugat.

Tutuldok ( : )

  • Ito naman ay pagkatapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.

  • Sa paghihiwalay ng minuto at oras.

Tutuldok-Kuwit ( ; )

  • Ginagamit sa pangungusap na kaagad sinundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig.

Panipi ( " " )

  • Ito ay para bigyang diin ang buong sinabi ng isang tagapagsalita.

  • Para bigyang diin ang pamagat ng isang teksto.

  • Ginagamit din sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

Panaklong ( () )

  • Ginagamit na pambukod sa mga salita na hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap.

Tutuldok-tuldok o Elipsis ( … )

  • Ito ay nagpapahiwatig na binitin ang karugtong ng nais sabihin.

Para sa kahalagahan ng mga bantas, basahin sa link:

https://brainly.ph/question/2747030

#BetterWithBrainly