Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

ano ang zionsm?????????

Sagot :

Ang pangkalahatang depinisyon nito ang pambansang kilusan para sa pagbabalik ng mga Hudyo sa kanilang bayan at ang pagpapatuloy ng Jewish Sovereign sa lupa ng Israel. 



Ang Zionismong Kristiyano ay ang paniniwala ng ilang mga Kristiyano na ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Israel (Banal na Lupain) at ang pagkakatag ng Estado ng Israel noong 1948 ay umaayon sa Propesiya ng Bibliya. Sila ay naniniwala na ito ay prerekwisito sa ikalawang pagbabalik ni Hesus at isang pangunahing doktrina ngunit hindi eksklusibo sa pananaw naDispensasyonalismong Kristiyano.



Sagot: Ang Zionism ay isang simpleng kilusang pulitikal noong una itong itatag, na naging mas tulad sa isang ideolohiya. Ang Zionism ay isang internasyonal na kilusan para sa pagbabalik ng mga Hudyo, ang mga hinirang ng Zion sa lupain ng Israel, habang sinasanay ang karapatan na panatilihin ang awtoridad ng pamamahala sa estado ng Israel na ipinangako sa kanila ng Diyos sa Kasulatang Hebreo. Ang ugat ng Zionism ay ang Genesis kabanata 12 at 15, kung saan gumawa ng tipan ang Diyos kay Abraham at ipinangako sa kanya na mamanahin nila ang lupain sa pagitan ng Egipto at ng ilog Eufrates. 

Dahil ang Zionism ay nagumpisa bilang isang kilusang pulitikal, may isang kaisapan na namamayani sa mga sekular na Hentil at mga hindi relihiyosong Hudyo na walang kinalaman ang relihiyon ng mga Hudyo sa Zionism. Pinagtatalunan kung ang Zionism ba ay isang reaksyon ng mga Hudyo sa pandaigdigang paguusig sa kanila noong Una at Ikalawang digmaang pandaigdig. Walang bansa ang nagnais na umampon sa kanila noon kaya’t napwersa silang gumawa ng kanilang sariling bansa, sa lupain ng kanilang mga ninuno na siyang perpektong lugar para sa kanila. 

Nagkaroon ng katuparan ang simulain ng Kilusang Zionism na nagumpisa noong huling bahagi ng 1890, noong 1948 ng opisyal na kinilala ang estado ng Israel at pinagkalooban sila ng kapamahalaan ng Nagkakaisang Bansa bilang isang bansa sa lugar ng Palestina. Ito ang panahon kung kailan nagtapos ang Zionism bilang isang kilusang pampulitika at nagumpisa naman bilang isang ideolohiya. Dahil dito, naging paksa ito ng mga debate. May mga nagsasabi na ang Zionism ay naging motibo para sa rasismo o reaksyon laban sa paglaban sa mga Israelita. Naniniwala naman ang iba na ang kasalukuyang Zionism ay ang pagiging makabayan ng mga Hudyo. 

May kaugnayan sa Zionism ng mga Hudyo ang Kristiyanong Zionism. Ang Kristiyanong Zionism ay isang simpleng pagpapakita ng suporta ng mga Hentil sa Zionism ng mga Hudyo at nakabase sa mga pangako ng Diyos sa Israel na matatagpuan sa Bibliya gaya ng Jeremias 32 at Ezekiel 34. Ang mga Kristiyanong Zionists ay mga Ebangheliko sa pangkalahatan at sumusuporta sa Estado ng Israel sa lahat ng posibleng paraan. Ang pagbabalik ng mga Hudyo sa lupang pangako ay ang katuparan ng hula at tinitingnan ng mga dispensationalists bilang isang tanda ng pagpasok ng mundo sa mga huling araw. 




zionism A religious variety of Zionism supports Jews upholding their Jewish identity defined as adherence to religious Judaism, opposes the assimilation of Jews into other societies, and has advocated the return of Jews to Israel as a means for Jews to be a majority nation in their own state. A variety of Zionism, called cultural Zionism, founded and represented most prominently by Ahad Ha'am, fostered a secular vision of a Jewish "spiritual center" in Israel. Unlike Herzl, the founder of political Zionism, Ahad Ha'am strived for Israel to be "a Jewish state and not merely a state of Jews". Another less common meaning is the political support for the State of Israel by non-Jews.
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Ipinagmamalaki naming magbigay ng sagot dito sa Imhr.ca. Bisitahin muli kami para sa mas marami pang impormasyon.