Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

saan matatagpuan ang maliit na bahagi ng populasyon sa pilipinas

Sagot :

minoryang kulturaliba pang tawag sa maliliit na pangkat-etnikoNegritoAeta, Ita, Mamawa, Ugsig, Dumagat, Baluga ang iba pang tawag sa kanila. Sila ay matatagpuan sa Kabundukan ng Sierra Madre at Zambales. Pangangalap ng bungang-kahoy ang pangunahing paraan ng pagkuha ng pagkain; bawal ang higit sa isang asawaTingguianMatatagpuan sa bulubundukin ng Ilocos Sur at Ilocos Norte, sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay, ang tahanan ay nasa itaas ng puno, naglalagay ng palamuti sa katawan gaya ng tatoo, iniitiman ang ngipin upang makaakit ng iniibig.TagbanuaMatatagpuan sa liblib na bahagi ng Palawan, pagtatanim ng palay at mais ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Naniniwalang handog ni Bathala ang bigas. Makukulay at mahahaba ang mga damit ng kababaihanMangyanHanunuo, Alangan ang ibang tawag sa kanila. Matatagpuan sila sa Oriental at Occidental Mindoro, simple ang kanilang pamumuhay, nagtatanin ng palay, mais, kamote at iba pang halamang-ugat. Kamote ang kanilang pangunahing kinakain.IfugaoMatatagpuan sa lalawigan ng Ifugao at Benguet, pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay. Palay at kamote ang kanilang itinatanim sa hagdan-hagdang palayan. Mahilig sila sa kasaysayan at marami silang ritwalKalingaMatatapuan sa bulubuduking bahagi ng Benguet at Mt. Province, mahilig sila sa makukulay na damit at alahas, maaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang lalaki, nagbibigay ng dote sa pamilya ng mapapangasawa ang lalaki at may mga kasuduan sila upang maiwasan ang budong o digmaanIgorotMatatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera, ang tawag sa kanila ay mula sa salitang "galot" na ang ibig sabihin ay "kawing ng mga bundok."Inibaloi / IbaloiMatatapuan sila sa Timog Benguet, kalimitang gawa sa cogon ang kanilang bahay, nagtatanin ng gulay at prutas, hagdan-hagdang taniman sa gilid ng bundok, ang pag-aasawa ay sa pamamagitan ng kasunduan ng mga magulang o matatanda pero meron na ring ikinakasal sa simbahanBontocmatatagpuan sa lalawin ng Benguet, Ifugao at Mt. Province, ang tawag sa kanila ay mula sa salitang bun (heap) at tuk (top) na ang ibig sabihin ay bundok. mataas ang kanilang pagpapahalaga sa edukasyon at mahilig sila sa kasiyahanKankanaeyMatatagpuan sa Timog Cordillera at Benguet, pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay nila pero mayroon ding nangangaso at nangingisda. Marami silang ritwal tungkol sa kanilang kabuhayan pero marami rin ang hinggil sa pag-aasawa. Isa lamang ang asawa, kapag namatay ang ina o amam ng tahanan, patitirahin ng nabalo sa kanyang tahanan ang may asawa ng anak o kaya naman siya ang lilipat sa bahay ng mga asawang anakTausugNasa Basilan, Sulu, Tawi-tawi at Zamboanga, kilala sila sa pagiging mahuhusay at matatapang na mandirigma. Nahahati sila sa dalawang uri: tao giniba (nakatira sa burol) at tao higad (nakatira sa dalampasigan)MaranaoNasa Lanao del Sur at Misamis Oriental, sila ang kinikilalang pinakamalaking minoryang kultural sa bansa. May dalang nakatiklop na banig ang karaniwang ______ para ilatag sa kanilang bahay samantalang ang mga _______ na may dugong-bughaw ay kalimitang nakatira sa malalaking bahay na may malalawak na pasilyo pero walang kwarto.BadjaoNasa Tawi-tawi at Sulu, kilala sila bilang hitanong dagat o Sea Gypsies dahil sa sila ay namamalaga sa dagat na kanilang tahanan. pangingisda at paninisid ng perlas ang kanilang ikinabubuhay samantalang kamoteng kahoy at isda ang kanilang pangunahing pagkain.T'boliMatatagpuan sa Timog Cotobato, pangangaso, pangingisda at pangunguha ng prutas sa gubat ang kanilang ikinabubuhay. Naghahabi ng tela mula sa hibla ng abaka, nagpapahid ng pulut-pukyutan (honey) ang mga babae sa mukha at nagsusuot ng maraming hikaw at kwintas. Maari silang mag-asawa ng higit sa isa.YakanMatatagpuan sa Basilan, pagtatanin ng palay, niyog, abaka at kamoteng kahoy ang kalamitan nilang ikinabubuhay. Mahuhusay silang mangaso, samantalang ang mga kababaihan ay mahusay maghabi ng tela na may magagandang disenyo. Kilala sila sa pagsusuot ng malong (lalaki ay inilalagay sa ulo samantalang mga babae ay ipinupulupot ito sa katawan).