Ang PAGPAG for Sale ---> ay isang pelikula na nagtatalakay o kaya'y nagpapakita ng buhay ng mga mahihirap na nasa slum area lalo na yung malapit sa dump site ng basura. Ang pagpag ay yung mga pagkain na itinapon na ng ibang tao, na pag nakuha ng mga tao sa slum area at kung ito'y di pa naman sira o panis, ito'y kakainin pa nila. Tinawag itong pagpag kasi anumang pagkain na makuha nila sa basurahan ay ipapagpag muna nila para maalis ang dumi at ang mga maggots o kaya'y uod dito, at kung sakali naman na ang pagkain nilang nakuha sa basurahan ay panis na, ito'y dadalhin pa rin nila sa kanilang bahay para hugasan at pagkatapos ay piprituhin muli o kaya'y lulutuin or iinitin muli para kanilang makain, minsan ang mga ito'y kanilang ibinibenta rin, kaya ito'y pinamagatang "Pagpag for Sale".