Joruss
Answered

Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mga sagot na kailangan mo nang mabilis at eksakto mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Kahulugan ng salawikain na ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwag

Sagot :

"Pagsasabi ng tapat,

Pagsasama ng maluwag"

Ang salawikaing ito ay nangangahulugan na ang pagiging tapat sa salita ay nagbubunga ng magandang samahan. Ang pagiging tapat sa salita ay nagdudulot ng kapayapaan sa pamumuhay ng isang tao. Mas nagiging makabuluhan ang kanyang buhay kung tapat siya sa pakikipagkapwa - tao. Palaging katotohanan ang dapat sabihin upang hindi mawala ang pagtitiwala.

Anumang relasyon o ugnayan, ang salawikaing ito ay tiyak na tutugma. Halimbawa ng mga relasyong pinatutungkulan ng salawikaing ito ay:

  1. mag - asawa
  2. ina sa anak
  3. ama sa anak
  4. magkapatid
  5. magkaibigan
  6. magkasintahan
  7. guro sa mag - aaral
  8. magkatrabaho
  9. amo sa kanyang mga empleyado
  10. mga nanunungkulan sa pamahalaan at taong - bayan

Sa lahat ng pagkakataon, ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwag. Maluwag sapagkat walang alitan, walang pagdududa, at walang kasinungalingan.

Ano ang salawikain at mga halimbawa nito: https://brainly.ph/question/2220729

#LearnWithBrainly