BALIKAN Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang S kung ikaw ay sumasang-ayon at HS kung hindi sumasang-ayon. Ilagay ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Lumaya ang bansang Indonesia sa pamumuno ni Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes.
2. May dalawang uri ng nasyonalismo ang umusbong sa bansang China sa panahon ng pananakop.
3. Ang pagkakatalo ng Tsina sa Digmaang Opyo ay naging daan ng di-makatuwirang kasunduan at pagkakaroon ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China.
4. Ang kasunduang Benevolent Assimilation ay kasunduang nilagdaan ng bansang Amerika at Espanya na nagpapahayag ng paglilipat ng pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanyol.
5. Nakamit ng Pilipinas ang paglaya mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Andres Bonifacio.