A. Panuto: Lagyan ng tsek () ang pahayag na nagpapakita ng pananaw at paniniwala ng mga katutubong Muslim at ekis (X) naman ito kung hindi.
11. Matatag ang pananalig ng mga Pilipinong Muslim sa kanilang pananampalatayang Islam.
12. Mababa ang respeto ng mga muslim sa kanilang pinuno, datu man o sultanito.
13. Ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa pagsamba kay Allah.
14. Para sa kanila, ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon kung hindi isa ring paraan ng pamumuhay
15. Ang pakikipaglaban ng mga Muslim ay nagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa kanilang nakagisnang relihiyon.
16. Pinatunayan ng mga muslim ang kanilang paninindigan. Hinadlangan nila ang pagsakop ng mga kastila.
17. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong katoliko.
18. Dahil sa katapangang pinairal ng mga Muslim ay nanatili itong malaya hanggang sa pagkatapos ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.
19. Sa ilalim ng pamahalaang sultanato tanging ang mananakop na Espanyol ang kinikilalang pinakamakapangyarihang pinuno.
20. Nanganib na mawala ang paniniwalang panrelihiyong gaya ng salat o pagdarasal ng limang beses sa isang araw