Kasagutan:
Heneral Douglas McArthur
Si Heneral Douglas MacArthur na nabuhay noong 1880 hanggang 1964 ay isang heneral na Amerikano na itinalaga sa Timog-Kanlurang Pasipiko sa World War II.
Si Heneral Douglas McArthur ang nagpahayag ng mga salitang "I shall return!" dahil iniwan niya ang laban ng mga Pilipino sa Hapones dahil sa utos ng pangulo ng Amerika na si Roosevelt. Hindi niya talaga nais na umalis ngunit napilitan dahil sabi ni Roosevelt ay lumalakas ang pwersa ng mga Hapones at maaaring pati ang Heneral ay mapahamak.
Ilang taon ang lumipas ay bumalik siya sa Pilipinas dahil nais niyang lumaya ang mga ito sa kamay ng mga Hapones. Sinabi niyang, “People of the Philippines, I have returned!” At matapos ang madugong pakikipaglaban sa mga Hapones ay napalaya nga ang ating bansa, “I’m a little late, but we finally came" dagdag pa niya.
#AnswerForTrees