Bahagi 4: MULA SA UNANG HARI NG ISRAEL HANGGANG SA PAGKABIHAG SA BABILONYASi Saul ang unang hari sa Israel. Pero tinanggihan siya ni Jehova at pinili si David na kahalili niya. Nang bata pa siya, kinalaban ni David ang higanteng si Goliat. Nang bandang huli ay tumakas siya sa mainggiting si Haring Saul. Pero pinigilan siya ng magandang si Abigail sa paggawa ng isang mangmang na bagay.Pagkatapos ay malalaman natin ang tungkol kay Solomon na anak ni David, na humalili sa kaniya bilang hari. Ang unang tatlong hari ng Israel ay nagpuno nang tig-40 taon. Nang mamatay si Solomon, nabahagi ang Israel sa dalawang kaharian, sa timog at hilaga.Ang kaharian sa hilaga ay winasak ng mga Asiryano pagkaraan ng 257 taon. Pagkatapos ng 133 taon, ang kaharian sa timog ay nawasak, at ang mga Israelita ay nabihag sa Babilonya. Kaya ang Bahagi APAT ay sumasaklaw ng 510 taon ng kasaysayan.