Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng eksaktong sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Mga nagawa ni Mahatma Gandhi sa kanyang bansa:
1. Nangunang lider nasyonalista sa India at nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.
2. Tinuruan niya ang mga mamamayan na humingi ng kalayaan na hindi gagamit ng karahasan, dahil naniniwala si Gandhi sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa) at Satyagraha sa pakikipaglaban.
3. Hinimok niya ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa mga Ingles.
4. Sinimulan niya ang CIVIL DISOBEDIENCE o hindi pagsunod sa pamahalaan.
5. Siya ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa mga mananakop na Ingles.
6. Isinagawa niya ang pag aayuno o hunger strike upang makuha ang atensiyon ng mga Ingles at upang mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya.
7. Naging lider ng “Indian National Congress” noong 1921.
8. Nagtatag siya ng mga kampanya para sa pantay-pantay na batas sa Indiya.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga nagawa ni Mahatma Gandhi, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang kilusang nasyunalista ni mahatma gandhi?: https://brainly.ph/question/1194613
Sino si Mahatma Gandhi?
Si Mahatma Gandhi o Mohandas Karamchand Gandhi ay ang pangunahing political at espirituwal na pinuno sa bansang India. Isinilang noong 2 Oktubre 1869. Siya ay nagbigay inspirasyon sa mamamayan ng India upang magkaroon ng kasarinlan. Kilala at ginagalang siya sa Indiya at sa buong mundo bilang Tinaguriang Mahatma na ang ibig sabihin sa salitang Sanskrit ay Dakilang nilalang at bilang bapu o ama.
Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Nagtrabaho siya bilang representibo legal para sa Muslim Indian Traders na nakabase sa lungsod ng Pretoria noong 1893. Siya ay 21 taong nanatili sa Timog Aprika, kung saan pinalago niya ang kaniyang political views, etika at political leadership skills. Opisal siyang pinarangalan sa India bilang ang Ama ng Bansa. Ang kanyang kapanakan ay itinalaga bilang Gandhi Jayanti, isang pambansang araw, at Ang araw ng kawalan ng karahasan sa buong mundo. Napaslang si Gandhi noong Enero 30, 1948.
Asawa at mga anak ni Mahatma Gandhi:
Asawa: Kasturba Gandhi
Mga Anak: Harilal
Manilal
Ramdas
Devdas
Mga quote ni Mahatma Gandhi :
- Happiness is when what you think, what you say, and what you do are in harmony.
- An eye for eye only ends up making the whole world blind.
- Where there is love there is life.
- In a gentle way, you can shake the world.
- The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong.
- Hate the sin, love the sinner.
- The future depends on what we do in the present.
- Action expresses priorities.
- Non-violence is the greatest force at the disposal of mankind. It is mightier than the mightiest weapon of destruction devised by the ingenuity of man.
- Earth provides enough to satisfy every man's needs, but not every man's greed.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Pagkaka pareho ni mahatma gandhi at dr. jose rizal: https://brainly.ph/question/2487904
Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Mahalaga ang iyong kaalaman. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot at impormasyon.