Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Nagbibigay ang aming Q&A platform ng mabilis at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Answer:
SIMBOLISMO NG ISANG AMA
- Haligi
Ang ating mga ama ang isa sa pinakaimportanteng tao sa ating buhay. Hindi masasabing pamilya kung walang isang ama. Sila ang nagsisilbing haligi ng ating tahanan na nagtataguyod n gating mga pangangailangan. Ang ating mga ama ay nagsisikap na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maging maayos at maganda ang hinaharap. Haligi sila dahil sila ay malakas at matibay sa pagtataguyod ng pamilya, hindi sila sumusuko kahit na anong problema at pagsubok man ang dumaan, dahil sa kanila nakaatang ang pinakamalaking responsibilidad sa isang pamilya at nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa bawat kasapi ng pamilya.
- Puno
Sumisimbolo rin ang ama sa isang puno, isang puno na punong puno ng kalakasan at katatagan, isang punong handang tumayo umulan man o umaraw. Isang punong may malalakas na sanga at mananatiling nakatayo kahit sa anumang sakuna. Ganyan ang mga ama, punong puno ng kalakasan at katatagan para sa pamilya. Sa pamilyang nagbibigay ng buhay para sa kanya. Sa pamilyang nais niyang itaguyod at mapaganda ang estado ng pamumuhay. Ang kanyang mga anak ang nagsisilbi niyang mga sanga, sanga na ayaw niyang mahiwalay sa kanya. Kaya gagawin ang lahat maging maayos lamang ang buhay ng mga ito. Ang lahat ng ginagawa ng isang ama ay para sa kapakanan ng kanyang pamilya, umulan man o umaraw, mahirap man at masakit ang kanyang pinagdadaanan dulot ng kanyang trabaho ay iindahin niya mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Tunay na kahanga-hanga ang mga ama, sapagkat ibinigay sila ng Diyos upang magsilbing haligi at puno sa bawat pamilya. Mahalin ang mga ama na regalo ng Panginoon dahil sila ang dahilan kung anong mayroon at kung nasaan ang bawat isa sa atin ngayon. Magpasalamat sa mga bagay na kanilang isinasakripisyo maging maayos lang ang ating buhay.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Responsibilidad ng isang ama: brainly.ph/question/798165
#BetterWithBrainly
Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Imhr.ca, ang iyong go-to na site para sa mga tamang sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang kaalaman.