Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Halina't Sagutin Natin Basahing mabuti ang mga sitwasyon at isulat ang angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwademo. 1. Maraming mga papel, magazines at lumang dyaryo sa bahay ninyo. Nais ng iyong nanay na itapon ito, ano sa palagay mo ang nararapat gawin sa mga papel o lumang dyaryo? 2. Nais mong gumawa ng paper beads bilang isang mapagkakakitaang gawain, anu-ano ang mga kagamitan na dapat mong ihanda, magbigay ng limang kagamitan na matatagpuan lamang sa iyong tahanan? 3. Anong kagamitan ang ginagamit sa pagbuo ng paper beads na gumagamit ng pagrorolyo ng papel? 4. Nais mong lagyan ng baris ang iyong natapos na palamuti sa tahanan, anong kagamitan ang iyong gagamitin? 5. Sa iyong palagay, bakit mahalagang malaman ang mga kagamitan sa paggagawa ng 3 Dimensional crafts?