1. Kung totoo ang sinabi ng WHO na magiging endemic ang COVID-19, nararapat lamang na
pagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayan nang pag-iingat para makaiwas sa virus.
2. Pero kahit na nga may bakuna, mananatili na ang sakit na ito sa kapaligiran o ang tinatawag na
endemic. Pahihinain lamang ito ng bakuna pero kahalubilo na ng mga tao.
3. Ipagpatuloy ang mga nakasanayang ginagawa habang nananalasa ang COVID-19. Ito ang
nararapat ngayon at sanayin na ang sarili sa mga gawaing ito. Bahagi na ng buhay ang pag-
ingat upang hindi kumalat ang sakit.
4. Sabi ng mga eksperto, matatagalan pa bago mawala ang coronavirus o ang COVID-19.
5. Marami ngayon, pag-uwi ng bahay naliligo agad at nilalabhan ang sinuot na damit. Hindi na rin
ipinapasok sa loob ng bahay ang suot na sapatos para hindi makapagdala ng virus. Ayaw
nilang mahawa ang pamilya.