Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Itanong ang iyong mga katanungan at makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Expample:
Sa harap ng maraming teorya at pananaw sa pagpapaliwanag tungkol sa
pagkakaroon ng di-pagtutugma ng kasanayan, sa isang banda, at sa
pangangailangan ng mga kompanya, sa kabilang banda, sa bilihan ng
paggawa, ang di-timbang na impormasyon ang nangingibabaw na
paliwanag. Subalit sa lawak ng impormasyong kinakailangan, at sa
magastos na paglikom ng impormasyon, ang mekanismo ng
pagsesenyas sa bilihan ng paggawa na isinasagawa ng pamahalaan ay
maaaring magkulang sa pagsasara ng agwat sa impormasyon. Ang
kakulangang ito ay nagiging lantad kapag lumalabas na ang ganap na
impormasyon ay nangyayari lamang sa aktuwal na kapaligiran ng
trabaho. Sa aktuwal na trabaho, nalalaman ng manggagawa ang mga
hamon sa trabaho samantala ang mga kompanya ay nalalaman ang mga
kasanayan at gawi ng manggagawa sa trabaho. Ang sanaysay ay susuri
sa papel ng iba’t ibang aktor sa bilihan ng paggawa kung papaano sila
tumutugon sa pagsagot sa di-timbang na impormasyon sa pamamagitan
ng pagbabalik-tanaw sa mga mekanismo ng pagsesenyas sa bilihan ng
paggawa na isinagawa ng mga pamahalaang kasapi sa APEC. Mula sa
panig ng suplay, titingnan kung papaano ang mga institusyong
pangsanayan ay nagbabago upang isara ang agwat sa impormasyon.
Mula sa panig ng demand, ipaliliwanag kung bakit ang mga kompanya
ay malamig sa pagsasara ng agwat sa impormasyon sa bilhan ng
paggawa. Ang gastos sa pagsasanay at muling pagsasanay ay napakalaki
para sa mga kompanya. Maliban sa gastos sa pagtugon, ang motibasyon
o dahilan sa pagtatrabaho na hindi lumalabas sa pagsesenyas ay
maaaring magpaliwanag sa pagpapatuloy ng di-pagtutugma.
Umaasa kami na nakatulong ang impormasyong ito. Huwag mag-atubiling bumalik anumang oras para sa higit pang mga sagot sa iyong mga tanong at alalahanin. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa aming mga eksperto.