Pagsasanay 2 Basahin ang debate na pinamagatang “Ang Palaaral at Di-Palaaral, Yaman ng Bansa? Pagkatapos, sagutan ang mga tanong sa ibaba. Tagapamagitan: Sa oras na ito masusing basahin ang debate ng dalawang pangkat: Ang Palaaral at Di-Palaaral. Palaaral: Alam naming kami ay nagdudulot ng kasiyahan sa guro, magulang, lipunan, pamayanan at bansa dahil sa aming pagsusunog ng kilay, naabot namin ang kaalamang minimithi ng bawat isa. Kami iyong madalas nasa loob ng silid-aralan at masusing isinisilid sa isip ang aralin. Kami iyong kapag tinanong ng guro ay bumubukal sa isipan ang kasagutan. Kami rin ang taga sa panahon dahil madaling makakuha ng hanapbuhay. At naku! Kabilang kami sa tagapag-paunlad ng bansa! Kayo, ganun din ba?Di-Palaaral: Oo, kabilang din kami sa tagapagpaunlad ng bansa. Bagamat mahina ang aming ulo, laging uwi ay itlog, kalabasa at palakol sa magulang namin. Naku! Tingnan ninyo pagdating ng panahon. Yaman din kami di ba? Paano? Kahit sa panahong di nakakakuha ng mataas na marka at Biyernes Santo ang mukha kung kulilat sa mga aralin. Isipin din ninyo ang aming kabutihan. Pakisuriin nga ninyo na bagamat kami ay natataguriang “Physically Fit” but Mentally Absent” Mayroon kaming natatagong talino na magpapaunlad ng sarili, tahanan, pamayanan at bansa. Alam ba ninyo, mahina man ang ulo namin ngunit may lakas at natatagong galing din. May lakas kami na kung minsan ito ang kailangan din naman, di ba? Tagapamagitan: Tama kayong dalawa kasi sabi nga kapag walis ay binigkis nagdudulot ng kasaganaan at katagumpayan ng pamilya at bansa. 1. Ano ang debate? * Iyong sagot Kailangan ang tanong na ito 2. Tungkol saan ang debate?* 3. Anu-anong pangungusap ang ginamit sa debate?* Iyong sagot Kailangan ang tanong na ito 4. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang ipinaglalaban ng dalawang panig?Pangatuwiranan ang iyong sagot. * Iyong sagot 5. Kung ikaw ang papipiliin, sino sa dalawang panig ang nais mong tularan? Bakit?* Iyong sagot Bumalik Susunod I-clear ang form