Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.

Ano-ano ang pananaw ng mga personalidad o samahan tungkol sa impormal na sektor?​

Sagot :

Answer:

W7

GAWAIN 1:

1. W. Arthur Lewis - Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya.

2. International Conference of Labor Statistics- ayon sa ILO, ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan.

3. Cleofe S. Pastrana- Batay kay Cleofe S. Pastrana ang kawan ng National Economic Development Authority (NEDA) The Informal Sector and Non-Regular Employment in the Philippines, sa isang kumprahensya sa Tokyo, Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang bigyang diin na ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapaghihigay its ng empleyna trabaho sa mga mamamayan ito ay nagdudulot din ng pagkakalikita ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan.

4. IBON foundation- Isang non-government organization (NOD) na nagsaliksik tungkol sa usaping sosyal, politikal at ekonomikong bansa.Ayon sa kanila, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na isang kahig, isang tuka upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan Maliban po dito, nilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.

5. Cielito Habito- Sa kaniyang artikulo 32 Philippine Daily Inquires (PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinatawag din nya ang impormal na sektor bilang Underground Economy o Hidden Economy.

Mga halimbawa ng mga kabilang sa Sektor na ito . Mga nagtitinda sa kalsada ( Sidewalk Vendor), Pedicab Driver karpintero at mga hindi rehissdong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (Color)

6. Hedayet Ullah Chowdhury- Mula naman kay Hedayet Ultah Chowdhury, assistant professor, Kazakhstan Institute of Management, Economics and Strategic Research, sa kanyang papel na inilathala sa Philippine Journal of Development ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Ang pag-iral nito sa iba't-ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaiba nito ayon sa lawak, dami, at pangkalahatang sistema ng operasyan. Gayunpaman, hindi makakaila ang kontribusyon nito an pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga mamamayan.

Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Layunin naming magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami para sa higit pang mga kaalaman. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa mga kasagutan sa inyong mga tanong.