Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga propesyonal sa aming platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

Gamit ang mga imahinaryong guhit latitud at longhitud, tukuyin ang kinalalagyang nm pilipinas sa mundo.

Sagot :

Maaaring matukoy ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga imahinasyong guhit na latitud at longhitud.

Ang latitud ay ang distansiya pahilaga o patimog ng ekwador, o ang mga pahalang na linya sa mga globo’t mapa. Ito ang ginagamit na panukat ng layo pahilaga o patimog.

Ang longhitud naman ay tumutukoy sa distansiya pasilangan o pakanluran mula sa batayang meridian, o ang mga patayong linya sa mga globo't mapa. Ito ang ginagamit na panukat ng layo pakanluran o pasilangan. Ang longhitud at latitud ay ginagamitan ng yunit na degree.

Makukuha ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtunton ng mga linyang longhitud at latitud sa mga globo at mapa. Sa tulong ng mga marka, makikitang ang eksaktong lokasyon ng bansa ay nasa pagitan ng hilagang latitud na 4° hanggang 21° at silangang longhitud na 116° hanggang 127° (4°-21° H, 116°-127° S).

Bukod sa longhitud at latitud, narito ang iba pang paraan para matukoy ang lokasyon ng Pilipinas: https://brainly.ph/question/21513914?referrer=searchResults

#SPJ1