1. Pangngalang pantangi - ay salitang pantawag sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa: tao bagay hayop lugar pangyayar - Jose Rizal, Gng. Maria Cruz, Myrna, Justine -Nike Shoes, Michaela Bag, Paperdoll Dress -Bertong Kalabaw, Brownie (aso), Katya(pusa) -Simbahan ng Barasoain. Manila, Hongkong -Pasko ng Pagkabuhay, Edsa People Power 2. Pangngalang kongkreto o tahas - Ito ay ngalan ng mga bagay na nakikita o nahihipo. Halimbawa: aklat, mesa, sabon, manga, tubig, upuan 3. Pangngalang di-kongkreto o basal - Ito ay salitang pantawag na may kinalaman sa ating emosyon o damdamin. Halimbawa: lungkot, hapdi, talino, ligaya, lagim 4. Pangngalang lansakan - Ito ay pangngalang tumutukoy sa maramihan o pangkatan. Halimbawa: langkay, dosena, kumpol, batalyon, buwig.