Tayahin Natin Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Bilugan ang tamang sagot 1. Ang batang si Daniel na nagmula sa Pateros ay nag viral ng makuhaan siya ng larawan na nag-aaral sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa isang gusali. Anong mga katangian ang taglay ni Daniel? C.sikap at tatag ng loob D. agap at sikap A. dunong at yaman B. galing at kasikatan 2. Ang katatagan ng loob ay nangangahulugan ng A. pagharap sa sitwasyon na may takot at pangamba sa tuwi-tuwina B. pagharap sa mga hamon na may lakas ng loob anumang oras C. pagharap sa mga suliranin na madaling lusutan at ipakiusap D. pagharap sa anumang pagsubok na di naman kailangan 3.Hindi naipasa ni Norman ang pagsusulit sa pagka abogasya, paano niya maipapakikita ang katatagan ng kanyang loob? A. Magkulong sa kanyang silid at isiping pagsubok lamang iyon ng Diyos B. Sabihing talagang napakahirap ng pagsusulit at kulang ang panahon. C. Sabihing hindi pa siguro ito ang tamang panahon maari pa naman kumuha muli ng pagsusulit. D.Sabihing pag-iibayuhan ang pagsasanay sa susunod na pagsusulit at lalong mananalig sa Diyos. 4. Ang pananalig sa Diyos ay nagpapatatag ng kalooban MALIBAN sa: A. dahil nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa B. dahil nalalaman natin kung tama o mali ang ating ipinaglalaban C. dahil nagsisilbing gabay at inspirasyon ang kanyang mga salita D. dahil sa lubos na pagtitiwala lamang sa sariling lakas at kakayahan 5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy na may panahon na ang tao ay magtatagumpay at may panahon na hindi? A. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa. B. Hawak ng tao ang kanyang sariling kapalaran. C. Ang bayaning nasusugatan ay lalong tumatapang. D. Ang buhay ay parang gulong minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim. R Cry ITY & PA