Answer:
Sa panahon natin ngayon, di mabilang ang mga kabataan sa mga gawain na wala ang kanilang magulang. Marami satin ang lumaki sa pagaalaga at pagmamahal ng magulang natin. Madali lang isipin na paglumaki ka na, alam mo na lahat ng Gawain,di mo na kailangan ng mga ano pang panuto mula sa mga magulang natin pero nagkakamali ka. Ang magulang natin ang silbing gabay natin sa lahat ng gawain natin. Para silang mga bayani sa buhay natin, kahit mahirap man at nakakapagod ang trabaho, magsusumikap talaga sila para sa kinabukasan natin ng walang hinihinging kapalit. Kaya nang sa ganon ay mamumuhay tayo ng mas mainam at mas kaaliwa-liwas na pamumuhay. Sa pagod at paghihirap nila para sa atin, dapat natin silang suklian sa ginwang kabutihan nila satin. Ng sa gayon,ay mapahalagahan natin at masuklian ang mga paghihirap nila bilang isang ina/ama.