Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng makabagong teknolohiya at pagpasok ng kaisipang liberal na pilit na nagpapabago sa halaga ng kanilang kultura at paniniwala, ang mga Mangyan kailanman ay hindi nagpatinag at nakalimot sa kanilang nakagisnang kultura. Patunay rito ang hanggang ngayong buhay na sistema ng pagsulat ng mga Hanunu'o Mangyan na tinatawag Surat Mangyan. Isa ito sa mga nabubuhay pa na sistema ng pagsulat sa Pilipinas na nagsimula bago pa man dumating ang mga Kastila. Sa pamamagitan ng Surat Mangyan, napananatili ng mga Mangyan ang kanilang mga tulang Ambahan at Arakay na nagtataglay ng mga pagpapahalaga at paniniwalang Mangyan tulad ng malapit na ugnayang pampamilya, magiliw na pagtanggap sa bisita, pagpapalaki sa mga anak, pagmamahal sa magulang at marami pang iba na nagsisilbing gabay sa pagtahak nila ng pang-araw-araw na pamumuhay. Tunay nga na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pagsulat sa pagpapanatili ng kultura at tradisyong nakagisnan ng iba't ibang tribu sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagsulat, naiuugnay nito ang mga sinaunang pagpapahalaga, paniniwala at adhikain sa pagtahak sa kasalukuyang panahon.
1. ano ang paksa ng binasang teksto?
2. ano ang tinataglay ng mga tulang ambahan at arakay?
3. guano kahalaga ang surat manganese sa teibu ng mga hanunuo? ipaliwanag
4. ang ang layunin ng tekstong binasa