Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming platform upang makakuha ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

Panu angu a ni ong sa p Petsa: Iskor: awain 1: Basahin at unawain ang tekstong impormasyon Bilugan ang letra ng tamang sagot. Global Warming sa Pilipinas Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako'y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon. Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sa daigdig Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientists at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. Dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun's rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito'y direktang makapapasok ay siya na ngang nangyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere. Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuels. Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. (https://buklat.blogspot.com/2017/12/global-warming-sa-pilipinas-sanaysay html) 1. Tungkol saan ang sanaysay? A. global warming B. kapaligiran C. polusyon 2. Anong damdamin ang nais ipahiwatig sa atin ng may-akda? A. pagkabagabag B. pagkamakabayan D. kalikasan C. pagkabahala D. pagmamalalaki 3. Sa mga isyung kinakaharap, anong isyu ang tinalakay ng may akda? A. kahirapan B. bawal na gamot C. paglaganap ng krimin D. kapaligiran 4. Ano ang global warming? A. Pagtaas ng temperature ng karagatan at atmosphere at ang patuloy na pagtaas nito B. Patuloy na pagtaas ng nakalalasong kemikal sa kapaligiran C. Patuloy na pagtaas ng iba't-ibang uri ng polusyon D. Patuloy na pagkasira ng kalikasan 5. Batay sa sanaysay, anong pag-uugali ang makikita natin sa may akda A. makakalikasan B. makabayan C. makaDiyos D. makatao Markahan: 1 Linggo: 1 at 2 MELC: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-​

Sagot :

Answer:

1.a

2.d

3.d

4.a

5.a

Explanation:

kaya dapat nating pangalagaan ang kalikasan

Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at sagot mula sa aming mga eksperto.