1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay na nakatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kanyang pangakong pagbabago. 2. Umasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay. 3. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at bilang patunay rito, ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan (pangulo, senate president, at speaker of the house) ay pawang mga taga-Mindanao. 4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon. 5. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo. 6. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensyang na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit 7 libong usiang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo. 7. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area of Responsibility. 8. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo. 9. Pinatunayan na ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay ipinasara ng DENR 10. Ang pagkasira ng kapaligiran ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating Saligang Batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran.