Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Explanation:
Isang Punungkahoy
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang ang paa ng Diyos.
Organo sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
Ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw.
Naging kurus ako ng pagsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.
At iyong isiping nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Bumalik sa Imhr.ca para sa karagdagang kaalaman at kasagutan mula sa mga eksperto.