Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Tuklasin ang mga komprehensibong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming madaling gamitin na platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.

sumulat ng isang repleksyon tungkol sa kahulugan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang isang mag aaral at bilang kasapi ng pamilya at lipunan


-binubuo ng 3 talata
bawat talatay binubuo
ng 5 pangungusap​

Sagot :

Answer:

Noon, akala ko ang ekonomiks ay para lamang sa mga eksperto, sa mga negosyante, at sa mga awtoridad o kawani ng pamahalaan.

Iyon pala, ang ekonomiks ay mayroon ding kahalagahan at kahulugan sa aking buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Bilang bahagi ng lipunan, ang ekonomiks pala ang nagtatakda ng magdang buhay para sa akin. Ito ang dahilan kung bakit napag-aaral ako ng aking mga magulang.

EkonomiksIto ang dahilan kung bakit may mga serbisyo akong nakukuha mula sa pamahalaan. Ito rin pala ang dahilan kung bakit nagagawa ko ang ilan sa aking mga karapatan, katulad ng karapatan sa pag-aaral.

Bilang kasapi naman ng pamilya, ngayon ay naunawaan ko na ang aking mga magulang na nagtatrabaho, gaano man kataas o kababa ang posisyon nila sa pinapasukan, ay mahalaga silang bahagi ng ekonomiya.

Sila bilang manggagawa, ay napakalaking bahagi kung bakit maayos na dumadaloy ang ikot na daloy ng ekonomiya. Ang kanilang serbisyo ang lumilikha ng mga produkto at serbisyo na makinarya ng ekonomiya upang umandar.

Gayundin, ang kanilang buwis at mga buwis na nakukuha sa akin mula sa aking mga binibili, ay ginagamit din upang maayos na paandarin ang ekonomiya ng bansa. Kung maayos ang ekonomiya, mas maayos ang takbo ng pamumuhay ko bilang isang mamamayan ng bansang ito.