Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot. https://tinyurl.com/48v2tumy (15 puntos) 1. Ano ang tawag sa kalakasang intelektwal (intellectual power) upang makagawa ng pambihirang bagay? A. Hilig B. Talento C. Kalakasan D. Kakayahan 2. Ano ang tawag sa likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin? A. Hilig C. Kalakasan B. Talento D. Kakayahan 3. Madalas na sinasabi ng mga sikolohista na ang talento ay may kinalaman sa genes. Sino sa sumusunod ang pinagmulan ng genes? A. Guro B. Kalaro C. Kaibigan D. Magulang 4. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa: A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay. B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip. C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.