kaharian ng Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng isang kaharian sa kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya dahil sa kaniyang katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan. Ang Kutang- bato ang Cotabato ngayon na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.aliex ha Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang Yan mga batas, at ang sinumang lumabag sa ipinag-uutos niya ay pinarurusahan. Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa at katapatan ng kaniyang mga tauhan. o nowniq Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Tsino sa HANUTUTAM AOM A MALIA-DAR Kaharian ng Kutang-bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima, at sa katapatan ng kaniyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-bato. Minsan, isang negosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinagalaw ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Brid Ipinagbiling mahigpit ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan nadert na walang gagalaw ng nasabing supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan nang sa gayon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot ng ginto. spolniten Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan. and te sempbor Rubin, Ligaya T. et.al. Panitikan ng Pilipinas. 1985. Rex Book Store, Claro M. Recto, Manila GAWAIN 2. Pag-unawa sa Nilalaman Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel. gn aliat 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? nove 2. Saan ang tagpuan ng kuwento 3.Ano ang mga katangian ni reyna sima bilang pinuno? 4.Ano ang mga ginawa ng reyna at nakilala umunlad ang kanilang kaharian? 5.Bakit sinusunod ng mga tao si reyna sima bagamat siya ay isang babae? 6.Bakit pinamagatang reynang matapat ang kuwento?