Mga Suliranin ng mga Katutubo, inalam ng Mababang Kapulungan KAILANGANG maging sensitibo ang mga pulis at kawal sa kultura ng mga katutubo upang higit na maging maganda ang relasyon ng magkakabilang-panig. Ito ang isa sa mga rekomendasyon ng House Committee on National Cultural Communities na pinamumunuan ni Congressman Teddy Brawner Baguilat ng Lalawigan ng Ifugao. Kailangan din matugunan ng pamahalaan ang suliranin ng mga katutubo o indigenous people tulad ng mga nagaganap sa Compostela Valley, Aurora at maging sa Surigao del Norte. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan kaninang umaga na mas madalas na ginigipit ang mga katutubo ng ibang mga mamamayang interesado sa kanilang mga lupain. Kabilang sa mga katutubong nagpadala ng kanilang mga kinatawan sa pagdinig ay ang mga Dumagat ng Aurora at mga opisyal ng pulisya sa Surigao del Norte na nag- ulat ng ilang mga sagupaang naganap sa pagitan ng dalawang tribong Mamanwa. Ipinaliwanag ni Congressman Baguilat na kailangang magkaroon ng indigenous peoples' desks sa mga tanggapan ng mga kawal at pulis upang makatugon sa mga suliranin ng mga katutubo. Pinagmulan:
Tungkol saan ang balita :
Ano ang aking nabatid sa balita :
saan naganap ang balita? :
Ano ang pangunahing suliranin ng nakikita sa balita? :
Sa paanong paraan matutuguan ng pamahalaan ang suliranin ng mga katutubo? :