"Si Ma’am Kasi"(Dagli) ni Eros Atalia
Final exam ng mga graduating. make or break. Terorista ang prof nila sa major subject na ito. Walang pakialam kung graduating ka o hindi. Kung bagsak, bagsak.Parang barangay tanod ang prof. Ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat ng kahina-hinalang ki- los, lingon o titig ng mga estudyante, sinisita nito.May nag-vibrate na cellphone na nakapa- tong sa armchair. “Turn it off! Or keep it way!”, bulyaw ng prof. Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpupumilit na mai-off o itago ang cellphone. Balik uli ang lahat sa pagsasa- got. Maya-maya, yung estudyanteng yun ay tumingin uli sa phone at pagkatapos ay sa prof. Nagduda na ang prof. Gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone. Lumalapit pa lang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiyak na ang estudyante. “Give me your phone, you’re cheating.” Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa teacher, dinampot na nito ang bag, at saka bumira ng takbo papalabas ng classroom, iniwan ang test paper. “Class, you’re all my witnesses, your classmate is cheating. Will you read kung anong nakalagay sa message?” Tumayo ang estudyanteng inutusan binasa ang phone. “Y di u sagot tawag namin? wala na si dad, ‘di niya nasurvive ang operation. d2 ka- mi hospital.”
1.Kung ikaw ang mag-aaral sa tekstong Si Ma'am Kasi,ano ang iyong magiging saloobin sa pangyayari?Ipaliwanag 2.Ilarawan ang guro sa binasang teksto. 3.Tama ba ang ginawa ng guro sa kanyang mag-aaral? 4.Bilang isang mag-aaral,dapat ba na umalis ka nalang ng walang paalam sa iyong guro?Bakit? 5.Sa binasang teksto,sino ang nagpakita ng maling gawain?Guro ba o ang magaaral?Ipaliwang 6.Ano ang aral na nais iparating ng kwento? 7.Kung ikaw ay magiging guro,ano ang gagawin mo kung tumitingin sa cellphone ang iyong estudyante?Ipaliwanag