Kaya Mo 'To! Gawain 2 PANUTO: Makikita sa ibaba ang mga mahahalagang pangyayari sa Digmaang Pilipino- Amerikano. Suriin ang bawat pangyayari at isulat sa loob ng kahon kung saang digmaan ito nabibilang. Isulat ang sagot sa graphic organizer. Sinunog ng mga Amerikano ang buong bayan ng Balangiga na nagmistulang diyerto. • Hinarangan ni Hen. Gregorio del Pilar ang Pasong Tirad upang hadlangan ang pananalakay ng mga Amerikano. • Madaling nagapi ang mga Pilipino dahil nakita nila ang lihim na daan papunta sa taas ng Pasong Tirad. • Dalawang Pilipinong sundalo at mga kasama nito ang pinaputukan ng mga Amerikanong sundalo. • Nagwakas ang digmaan sa pagsuko ni Heneral Miguel Malvar sa mga Amerikano. • Di tumigil ang mga sundalong Pilipino nang sigawan sila ng Amerikanong huminto.