Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang
Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y
inaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o punongkahoy.
Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang
ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao,
ito ay ang ibong Garuda. Kapag dumarating na ang Garuda, mabilis na
nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa
ibong Garuda sapagka't ito'y kumakain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao,
nagkahiwa-hiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng
Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na
babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa
ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal
mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol.
Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol na Bidasari. Habang
lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng
kanyang kinikilalang magulang. Sa kaharian ng Indarapura, ang Sultang Mongindra
ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari.
Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong
sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng “mahal na
mahal ka sa akin.”Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Naitinanong niya
minsan sa sultan “Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na
maganda kaysa akin?” Ang naging tugon ng sultan ay “Kung higit na maganda pa
sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.” Nag-alala ang sultana na baka
may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang
inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang
malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda
kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng sultana si Bidasari sa palasyo upang di-umano
ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na
ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni
Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa
halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa
gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag
si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari. Isinuot
nga ni Lila Sari ang kuwintas na gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung
gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nagalala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa
siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si
Bidasari.Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang
isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok
niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito
ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra
na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya
hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya
ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na
galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si
Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni
Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa
sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak
ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat. Si
Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita
ang kapatid niyang si Bidasari na kamukhang-kamukha niya. Itinanong ni Sinapati
sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa
kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indarapura. Nang magkita si Bidasari at si
Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhangmagkamukha.
Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari.
Nalaman ng sultan ng Indarapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa
palang tunay na prinsesa.



1. Simula - nababanggit na dito ang kilos, paglinang sa tao, mga hadlang o
suliranin
2. Gitna – naglalaman ito ng mga kawing-kawing, maayos, sunod-sunod, at
magkakaugnay na mga pangyayari
3. Wakas – sa bahaging ito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin


paki answer pls ​

Sagot :

Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.