Malayang Tayahin 1 Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang salitang hiram at isulat ang wastong baybay nito gamit ang kasalukuyang leksikon nito sa Filipino Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ma, aalis na kami. Bye! 2. Napakasarap ng biniling ice cream ni Tatay. 3. Naubusan ng time si Amy para tapusin ang kanyang proyekto. 4. Hinatid na sa bahay ang picture natin noong kaarawan ko. 5. Ang school na pinapasukan ko ay malapit lamang sa aming bahay. 6. Si Alden ang best friend ni Maine, sabay silang lumaki sa kanilang bayan. 7. May tanong sa assignment na hindi ko naiintindihan, kaya nagpatulong ako sa aking ate. 8. Remember, kailangan mong bilhin lahat ng nasa listahan para sa handaan na gaganapin bukas. 9. Ang size ng paa niya ay maliit para sa kanyang edad. 10. May nakita akong magagandang flowers sa may plaza, tara mamitas tayo.