Panuto : Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinapahayag sa sumusunod na pahayag at M kung hindi.
1.Hindi maituturing na maka-Pilipinong pananaliksik ang isang paksa kung hindi ito gagawin sa komunidad.
2.Maaaring pumili ng tanong sa pananaliksik na sa Internet lamang makikita ang kasagutan.
3.Maraming hamon sa mga mananaliksik na gagawa ng maka-Pilipinong pananaliksik kung kaya’t kailangan niya munang hintaying mamulat na ang mga Pilipinong iskolar bago ito gawin.
4.Ayon kay Neuman , (1997), ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga particular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.
5.Bukod sa mga dakilang layunin ng pananaliksik , maraming kapakinabangan ang mananaliksik mula sa proseso ng pagtuklas.
6.Hindi maaapektohan ng pagtanggal sa kursong Filipino sa kolehiyo ang pananaliksik na maka-Pilipino.
7.Ang anomang kaalaman na nakuha mula sa masa ay kailangang suriin ng mananaliksik , ngunit hindi na kailangan pang ibalik o ibahagi sa kanila .
8.Nagbibigay ng bigat at halaga ang pamimili ng angkop na wika at paksa sa pananaliksik.
9.Nalilimitahan din ang paksa sa pamamagitan ng pamimili ng panibagong populasyon ng pananaliksik kahit duplikasyon lamang ito ng nakaraang pananaliksik.
10.Maaaring paliitin ang paksa sa pamamagitan ng a pagpili ng ibang disenyo ng pananaliksik.