PAGSASANAY 2: Panuto: Pag-ugnayin ang SANHI at BUNGA ng mga pangyayari/kaganapan sa Pag-unlad ng Wikang Pambansa. Letra lamang ang isulat sa sagutang-papel. KOLUMN A: SANHI 6. Ang Kongreso ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika 7. Naniniwala ang mga prayle na higit na makakahikayat at magiging mabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo kung wikang katutubo ang gagamitin 8. Si Pangulong Quezon ay isang Tagalog, siya rin ang nagpanukala na buuhin ang Surian ng Wikang Pambansa 9. Sa panahon ng mga Hapones ay ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles 10. Ipinapagamit ng wikang rehiyonal sa baytang 1-3, samantalang Wikang Filipino at Ingles naman sa baytang 4-12 at kolehiyo. KOLUMN B: BUNGA A. dulot nito ay nag-aral sila ng wikang katutubo B. kung kaya binuo ang Surian ng Wikang Pambansa na siyang mag-aaral at magsasaliksik sa wikang magiging batayan upang maging pambansang wika C. kaya maraming naisulat na akdang pampanitikan gamit ang wikang bernakular partikular ang Tagalog. D. Bunga nito naipakita ang pagpapahalaga sa mga wika ng mga lalawigan dahil bahagi ito ng wikang panturo E. kaya maraming naisulat na akdang pampanitikan sa wikang Ingles F. kaya naman naging kuwestiyonable ang pagkakahirang sa Wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa