A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sapatlang kung sino o ano ang inilalarawan sa bawat pahayag.
1. ito ang itinuturing ni Max Scheler na pinakamahalagang larangan ng pag iral ng tao .
2. siya ang may akda ng aklat na pinamagatang, "The EQ Difference", kung saan nya
ipinaliwanag ang mga pangunahing bahagi ng emosyon ng tao.
3. ito ang bahagi ng emosyon na tumutukoy sa awtomatikong reaksyon ng katawan
(gaya ng panunuyo ng lalamunan at mabilis o hindi regular na paghinga) sa mga
nagaganap sa paligid nito.
4. Nakatutulong ang pagtataglay ng dalawang birtud na ito sa wastong pamamahala
ng tao sa kanyang emosyon.
5. ito ay tumutukoy sa mga damdamin na nakatuon sa pag hubog ng pagpapahalaga
sa kabanalan, ayon sa pananaw ni Dr. Manuel Dy Jr.
6. ang bahaging ito ng emosyon ay binubuo ng pananaw, paniniwala at mga bagay na
iniisip at inaasahan ng isang tao.
7. siya ang nagtala ng mga pangunahing emosyon ng tao sa kanyang aklat na
pinamagatang "Education Of Values :What, Why, and For Whom."
8. tumutukoy ito sa limang pisikal na pandama o five senses na nakapagdudulot ng
pandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao.
9. kabilang sa bahaging ito ng emosyon ang iba't ibang anyo ng ekspresyon o ugali
ng tao na maaring bunga ng kaniyang emosyon na nadarama.
10. Ilan sa mga halimbawa ng mga emosyong ito ay ang pagmamahal, paghahangad,
pagkatuwa, pag-asa, at pagiging matatag.