Gawain 5. Titik ko, bilugan mo! Panuto: Unawain at basahin ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African? A. dahil marami ito sa kanilang lugar B. dahil ito ay ginagawa nilang gamut C. dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain D. dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain 2. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesian ang kanilang mana maliban sa isa? A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos. B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao. C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod. D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana. 3. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Songhai? A. mahihina ang mga pinuno B. kakulangan sa makabagong armas C. kakulangan sa mga malalakas na kawal D. maliit lamang ang nasasakupang teritoryo 4. Ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang Maya? A. mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya B. may mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto C. nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estado D. pagkawala ng sustansiya ng lupa at ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa suplay ng pagkain