Ahyxz12
Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Gumawa ng tula tungkol sa pamagat na "Kahirapang Natatamasa" kung saan nagpapakita ito ng mga nangyayaring isyu sa ating bansa. Marapat na ang tula ay binubuo ng 4 saknong at dapat ay nilapatan ng tugmaan. ​

Sagot :

TULA TUNGKOL SA ISYU NG ATING BANSA

"Kahirapang Natatamasa"

Kahirapan, ito'y ating ipaglaban,

Sariling pananaw, problema'y malinaw,

Marapat na ating solusyunan,

Upang umahon sa hirap balang-araw.

Ang kahirapa'y lubhang laganap,

Ang kakulangan ng pera'y, kanilang hinaharap,

Maging mga mahihirap ay inaabuso,

Ginagawang biro ng gobyerno.

Ang hirap ay nandito, ang hirap ay nandyan,

Kahit saang sulok, kahirapa'y natatagpuan,

Kahit anong gawin, bukambibig ay kahirapan,

Kaya, nangangailangan ng paraan.

Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang layunin,

Mapa-estudyante man o matanda, bansa'y kayang paunlarin,

Basta't tayong mga Pilipino'y magkakaisa,

Kahirapa'y mapupuksa't maglalaho ng parang bula.

Nakalulungkot isipin na ang ating mga kababayan ay nakararanas ng ganitong uri ng pagsubok sa kanilang mga buhay, na talaga namang tumatatak sa kanilang puso't isipan, gaya ng kung paano nila ito kahaharapin, paano nila ito sosolusyunan, at higit sa lahat, paano sila mabubuhay.

Isa ito sa mga isyu sa Pilipinas na mayroong malaking porsyento sa ilan pang mga kinahaharap na isyu ng bansang pilipinas. Sinasabi na nakaaapekto raw ito sa pagkababa ng life expectancy ng Pilipinas, na hindi naman kayang solusyunan ng ating gobyerno at ilan pang nakatataas sa atin. Dahil dito, mayroong tsansa na makasasagabal lamang ito sa kinabukasan ng bawat indibidwal na kumakaharap nito, maaaring makasira sa pangarap at kurso ng iilan sa mga estudyante at iba pa.

Sa kabila ng mga ito, iisa lang ang marapat nating gawin, iisa lang ang ating layunin, iyon ay tayo'y magsunog ng kilay at gawin itong inspirasyon nang saganun, ito'y ating malagpasan. Ika nga nila'y, "Kahirapa'y gawing inspirasyon, balang-araw, ikaw din ay aahon".

Hope it helps!

Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Imhr.ca ay nandito para sa iyong mga katanungan. Huwag kalimutang bumalik para sa mga bagong sagot.