Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.
Sagot :
BALAGTASAN
"Ano ang ating pipiliin, ISIP ba o PUSO?"
TINDIG:
(Unang Tindig)
ISIP: Mambabalagtas 1
Naglalayong maghatid ng imahinasyon,
Gabay sa ating mga desisyon,
Nagbibigay kamalayan sa pagkatao,
Laging sumasagot at umiisip ng lohiko.
Marapat magwagi ang isip, bakit?,
‘Pagkat dala nitong ligaya’y walang kapalit,
Likha ng isipa’y ‘di kararaingan,
Kaysa, tibok ng puso’y dikta’y mali naman.
Damdamin mong hindi laging bukas,
Nakararamdam ng ‘di mabilang na dahas,
Kaya’t tibok ng iyong puso’y kukupas,
Dito sa mundong hindi patas.
(Unang Tindig)
PUSO: Mambabalagtas 2
Layuning maghatid ng imahinasyon, gabay sa mga desisyon?
Aba’y hindi pa ata iyan handa sa mga bitbit na problema’t hamon,
Kaya’t huwag mo’kong akitin sa nakalalason mong mga sambit,
Baka isipan mo pa’y nagigipit.
Puso’y may damdamin, may emosyon,
Bakit isipa’y nalilito ngayon?
Tila tunay yatang ikaw ay manhid,
Tulad ng istatwang walang pakiramdam na nauumid.
Kaalaaman mo’y walang binatbat,
Sa puso kong angat at sapat,
Taglay nitong kakaibang kilig,
Tinig ng pag-ibig, tumitindig.
(Pangalawang Tindig)
ISIP: Mambabalagtas 1
Puso nga’y may emosyon, may damdamin,
Ngunit kung magiging sawi ka sa pag-ibig, anong aanhin?,
Hindi ba’t sugat at kirot ang tatamuhin?,
Ano pang silbi ng wagas mong pag-ibig, kung sarili mong kapalaran, hindi kayang harapin?.
Kaya’t kahalagaha’t likha ng ating maykapal, igiit,
Datapwat, isip pa rin ang karapat-dapat kaysa sa damdamin ng pusong nagmamatapat,
Subalit, tapat nga ba ang pusong pilit? O ‘di kaya’y ito pa rin ay nagigipit?
Samakatwid, dikta ng pusong walang kasiguraduhan, ‘wag ipilit.
(Pangalawang Tindig)
PUSO: Mambabalagtas 2
Bakit pa tayo magpapaniwala na ang puso ay mandaraya?,
Kung ang isip ang siyang tunay na kumukutya,
‘Pagkat pag-aalinlangan nito’y ‘di kasiya-siya,
Hindi mawari’y tiyak o ‘di tiyak ang isinasagawang pasya.
Isip ang siyang madalas nahahapo,
Pahinga’y laging nasusunod, paghinto’y tipo,
Hindi tulad ng pusong masikap,
Patuloy ang pagtibok sa pagsubok, lumilingap.
(Pangatlong Tindig)
ISIP: Mambabalagtas 1
Isip ko’y walang kapantay,
Katangia’t kakayahang taglay na walang humpay,
Hindi tulad ng puso mong bitbit ay gulo’t pasakit,
Na taglay nitong desisyo’t pasya’y malimit.
Pusong hatid ay malas,
Mga sulirani’t balakid, hindi malutas,
Buti pa ang taglay ng isip kong may abilidad na gumabay sa bawat landas,
Layong magturo ng tiyak na daang tuklas at patas.
(Pangatlong Tindig)
PUSO: Mambabalagtas 2
Puso kong bumubuo ng emosyon,
Nagbibigay kasiyahan sa lahat ng pagkakataon,
Isip na balisa,
Tagumpay ‘di matatamasa.
Hindi ba’t ang isip ang marunong umunawa?
Bakit lengguwahe ng pag-ibig, ‘di kayang maanalisa?
Damdamin ng puso'y ‘di masusukat,
Isip na walang binatbat.
(Pang-apat na Tindig)
ISIP: Mambabalagtas 1
Binatbat? Kaysa naman sayo na laging nasasaktan,
‘Pag nagdaramdam, madalas naaapektuhan,
Nais mong maging masaya?
Kung ganap na kabiguan, hindi mo kinakaya?
Tama ngang pagtibok nito'y patuloy,
Ngunit ang dapat tamasahing kaligayahan, ‘di dumaloy,
Hangad ay tiyak na biyaya,
Subalit puso pala'y madaya.
(Pang-apat na Tindig)
PUSO: Mambabalagtas 2
Isip na ‘di tumitigil sa pag-iisip,
Sarili lamang ang iniisip,
Laging tama ang ninanais,
Ngunit sa mga suliranin, nabibigkis.
‘Di tulad ng puso kong may mithiin,
Hindi maaaring api-apihin,
Mga pangarap na liliparin,
Mga balakid na handang tiisin.
(Panglimang Tindig)
ISIP: Mambabalagtas 1
Isip ang nagsusuporta sa atin,
Sa pag-iisip ng tama at mali,
Isip ang nagbibigay ng kalinawan sa atin,
Sa lahat ng bagay na mangyayari
Kaya't isip ang marapat mas lumamang sa lahat,
Karunungang ibinibigay, laging sapat,
Isip na karapat-dapat,
Halina't atin na itong ilapat.
(Panglimang Tindig)
PUSO: Mambabalagtas 2
Ang puso ay ang nagbibigay ng sigla
Kahit sa pinakamalalim na pagdurusa
Maging sa pinakamapilit na sitwasyon,
Pag-asa pa rin at naroroon.
Kaya't puso'y gumagabay sa lahat,
Ang pagkilala at pagtuklas ay kaakibat,
Puso na taglay ang liwanag,
Laging umaaninag.
EKSPLANASYON:
Nagmula ang Balagtasan sa Instituto De Mujeres, sa kalye ng Tayuman, Tondo, Maynila sa pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco Balagtas noong Abril 2 1788. Tanggapan iyon ni Rosa Sevilla, kung saan, ang gusaling iyon ay kanyang pagmamay-ari na isang manunulat din. Dito nagsimula ang makabagong Duplo.
Ang Duplo ay ginagawa kapag may nagaganap na lamayan noong unang panahon. Kung ikaw ay matatalo, babasahin mo ang pinakamahabang dasal. Ito ay isang makalumang paraan upang ipagdiwang ang nagaganap na lamay.
Tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan: "Bulaklak ng lahing kalinis-linisan"
- Rafael Alay at Tomas de Jesus
- Amado V. Hernandez at Guillermo Holandez
- Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
Ang pinaka-unang balagtasan na ginanap ay may titulong "Bulaklak ng may lahing kalinis-linisan" at ang dalawang mambabalagtas na naglaban dito ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes, si Florentino ay ang natalo samantalang, si Jose Corazon ang nanalo sa balagtasang ito.
HARI NG BALAGTASAN: Jose Corazon de Jesus
Pinakahuling hari ng balagtasan - Emilio Mar Antonio
Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Mahalaga ang iyong kaalaman. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot at impormasyon.