Q: 1,Ang mga salita ba ng Makapangyarihang Diyos ay naitala sa Bibliya nang maaga? At bakit?
☑️Sagot: Kahit na hindi itinala ng Bibliya ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, ipinropesiya nito kung anong gawain ang gagawin ng Diyos sa mga huling araw, tulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus,
“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13)
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag Mga Kabanata 2, 3).
Mula rito, makikita natin na ang Diyos ay magsasalita sa lahat ng simbahan sa mga huling araw at gagabay sa mga tao sa lahat ng katotohanan. Ang mga salitang ito ang ipahahayag at isasagawa ng Diyos sa mga huling araw. Dahil ang mga ito ay mga salitang binigkas sa muling pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, paano kaya ito naipon sa Bibliya nang maaga?